Sunday, October 18, 2015

Kahirapan

 

Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan

DAHILAN

CORRUPTION: Ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. 
Ito ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang mga pera na para sana sa kapakanan ng taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan na mga may kapangyarihan sa pamahalaan. Ito ay maituturing na kanser sa lipunan.

IMPERIALISMO: Ang pananakop ng ilang bansa noong mga nakaraang panahon tulad ng Espanya, Hapon at US na nagpahirap sa Pilipinas. Mga dayuhan na nag iwan ng mga mali o masamang impluwensiya at kultura sa bansa.Ang patuloy na pakikialam o pagdikta ng US sa pamalaan ng Pilipinas. Masasabing ang mga tulong pinasiyal ng mga malalakas na bansa sa Pilipinas ay isang suhol upang mapaikot at madiktahan ang pamahalaan. Mga pera na hindi naman napupunta sa mga tamang proyekto kundi nahuhulog din sa bulsa ng korapsiyon. Mga perang suhol upang mapalakas ang kanilang mga pansariling layunin na nagbabaon sa kahirapan ng Pilipinas.

Ang pagpasok ng "globalisasyon" ay maitutuiring din na isang imperyalismo. Kung saan ang mga dayuhan at mayayamang kapitalista na nagmamay ari ng ibat ibang kompanya ang siyang nagdidikta sa pamahalaan upang siskilin ang karapatan ng mga mangaggawa. At ang pagsasanib pwersa ng pamalaan at kapitalista ang siyang dumudurog sa unyon na siyang pumapatay sa karapatan ng mga mangagagawa upang magkaroon ng tamang pasahod, benepisyo at hustisya. Maituturing na isang pang aalipin o "modern slavery" ang pasahod sa mga manggagawa, kompara sa kinikita ng mga higanteng korporasyong dayuhan.

Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila. Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang makabili ng NFA Rice, mataas pa rin singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo ng isang empleyado lamang.Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking kamalian sa parte ng mga pinuno.
Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin. 
PYUDALISMO (FEUDALISM): Ang pagmamay ari ng iilang mayayaman sa mga lupaing sakahan. 
Nang ipatupad ang Agrarian Reform program hindi ito lubusang naipatupad ng pamahalaan. Dahilan na ang nag mamay ari ng malalaking lupaing sakahan ay pagmamay ari ng mga makapangyarihan sa lipunan at gobyerno.
Nariyan din ang malalang pagpapalit nang mga lupang agrikultura upang gawing industriyal, bahayan at golf courses ng mga mayayaman. Kung saan naagawan ng taniman o sakahan ang mga magsasaka. Dahilan ng pagkakaroon ng kakulangan ng pangunahing lokal na pagkain. Dahilan upang mag angkat pa ng mga pangunahing pagkain tulad ng bigas sa ibang bansa. 
Isang pang dahilan ng paghihirap ng bansa ay ang matinding kapapabayaan ng likas na yaman ng bansa. Ang pagputol ng mga puno na dahilan ng pagbaha (illegal logging), landslide at erosion. Ang pagdudumi sa ilog at dagat, pag gamit ng mga nakakalason, patutok at maling paraan ng pangingisda na sumisira sa yamang dagat. Ang kapabayaan ng gobyerno at mamamayan sa likas na yaman ay isang malaking dahilan upang unti unting mabaon ang bansa sa kumunoy ng kahirapan.


SOLUSYON

Para lutasin ang mga problemang kinakaharap ng masa, kailangan ng aktibong pagkilos ng masang Pilipino para iligtas ang bansa sa delubyo ng karalitaan at kawalang pag-asa. Sa loob at labas ng bulwagan ng Kongreso kailangan ang pakikilahok ng masa. Kailangan din ang representante ng masa sa Senado na makikipaglaban sa kagyat at pangmatagalang kalutasan ng problema ng bansa.

1. Reporma sa Ekonomiya. Sa kagyat ay kailangan na makahinga ang ang masang Pilipino sa sumasakal na matinding kahirapan.

a. Taxation. Ang pagbasura sa EVAT. I-repeal ang EVAT law.
b. Trabaho. Paglikha ng maraming trabaho para sa wala at kulang ng trabaho. Pagcriminalize sa mga napatunayang humahadlang sa karapatang mag-unyon.Pagpapatigil sa kontrakwalisasyon. Pagpapataas ng minimum na sahod.
c. Pabahay. Mass Housing na direktang hahawakan at pangangasiwaan ng gobyerno at mga samahang maralita hindi ng pribadong sektor.
d. Nationalization of Agricultural Lands para magkaroon ng lupang sasakahin ang mga magsasakang wala o kulang ang lupang sinasaka.

2. Demokratikong Reporma. Pagpapalakas sa demokratikong karapatan ng mamamayan hanggang sa antas barangay.

3. Utang ng gubyerno. Isuspinde ang pagbabayad ng utang, sa interes at prinsipal, sa labas ng bansa at gamitin sa pagpapaunlad ng ekonomiya at serbisyo publiko.

4. Repormang Elektoral. Suportahan ng gobyerno ang partido pulitikal na marginalised para epektibong makalahok sa usapin ng paggobyerno at halalan. People’s empowerment hanggang sa antas barangay.

Magkakaroon lamang ng makabuluhang pagbabago sa bansa at mahahango sa kahirapan ang masa kung may maitatayong matinong gobyerno ang masang Pilipino.

2 comments:

  1. How to get to the top of the new casino in New Jersey
    It 경상북도 출장안마 can be quite simple. 계룡 출장마사지 With the closest casino to you, you'll want to take a 공주 출장마사지 tour of the games that you 상주 출장마사지 can play and learn how to 부천 출장샵 play them.

    ReplyDelete
  2. The King Casino Archives - Hertzaman
    The King Casino Archives, herzamanindir.com/ including news, articles, videos, address, gaming info, The King หาเงินออนไลน์ Casino & Hotel 1등 사이트 in Henderson, sol.edu.kg NV is one of the https://febcasino.com/review/merit-casino/ newest hotels and motels on

    ReplyDelete